Kris: "Pinahanga mo ako Pacman, lumuha ako sa interview mo. No need to apologize"


Natalo si Sen. Manny Pacquiao sa laban niya kontra kay Cuban Yordenis Ugas via unanimous decision sa score card na 115-113, 116-112 na ginanap ngayong sa T-Mobile Arena, Las Vegas.

Pero kahit hindi nagtagumpay ang ating Pambansang Kamao ay mahal na mahal pa rin siya ng lahat dahil pagkatapos ng laban ay ang pangalan pa rin niya ang isinisigaw ng tao.



Isa si Kris Aquino sa mga celebrities na unang nagpahatid ng paghanga kay Sen. Manny sa kabila ng kanyang pagkatalo.

Narito ang kanyang pahayag para kay Sen. Manny:

"Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo.

No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.

Most of all recognizing that the real fight, yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what i am sure was a crushing loss, you truly are a man of #faith.

My love and prayers are with you mare @jinkeepacquiao. God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.

Madali at masarap manalo, tonight nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin nagawa ang hindi na mapapantayan- mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao 🇵🇭💛"





Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments