Lolit Solis, manager ni Paolo Contis kinumpirma na hiwalay na kay LJ Reyes


Hiwalay na nga. Kinumpirma na ng manager ni Paolo Contis, na si Lolit Solis, na hiwalay na nga si Paolo sa kanyang kapwa celebrity partner na si LJ Reyes.

Wala raw third-party na involved sa hiwalayan nilang dalawa ayon pa sa veteran columnist at talent manager.
 

Basahin ang rebelasyon ni Lolit Solis:

"Naku ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yeng Santos Salve.

Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yeng Santos noh ! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas , mas shocking pa ang mangyari.

Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes , it was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends.

Huwag na natin idamay pa si Yeng Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ noh ! Huwag ng guluhin ang issue, huwag ng magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah hah.

Stop na natin script sa ending nila Paolo at LJ, huwag ng dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya. Ganuon lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story. Bongga di ba Salve at Gorgy, ayaw nyo ng triangle love affair di bah ? Kaya, tapusin na duon ang story. Finish na. Babuuuu !

#classiclolita #74naako #takeitperminutemeganun"





Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments