Kakasuhan ng TAPE Inc. ang sinuman na tatawag na "Fake Bulaga" sa Kapuso noontime show na "Eat Bulaga."
Ayon kay TAPE Inc. spokesperson at legal counsel Maggie Abraham-Garduque, hawak ng kumpanya ang trademark ng "Eat Bulaga" kaya walang karapatan ang sinuman na tawagin itong peke.
"No one has the right to call TAPE’s show as 'Fake Bulaga.' It is the registered owner of the name and logo of ‘Eat Bulaga.' It is the one using it in its show for the past four decades and up to now, so it cannot be the 'Fake Bulaga'," aniya sa isang panayam.
Banta ng abogado: "In fact we will file all legal action to all who are calling it Fake Bulaga."
Nitong Sabado ay nakuha ng TAPE Inc. ang certificate of renewal of registration mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) na nagsasabing mananatili ang trademark ng ‘Eat Bulaga!’ sa nasabing kumpanya hanggang June 14 2033.
“This renewal is a testament that TAPE was and remains the registered owner of the trademark ‘Eat Bulaga!’," giit ni Garduque.
Source: Netizen Express
0 Comments