Aabot sa 4 milyon perang papel nilipad at nagkalat sa kalsada

Nagkalat ang mga perang papel na dala ng isang remittance collector habang binabaybay ang kahabaan ng South Road Properties sa Barangay Mambaling, Cebu City, July 4.

Ayon sa lalaki, nakalagay ang perang nagkakahalaga ng aabot sa P3-4 milyon sa isang bag habang nagmamaneho siya ng motorsiklo papuntang Mandaue City.

Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pagmamaneho, napansin niya sa kaniyang side mirror na nililipad na ng hangin ang mga pera.

Aniya, nasira kasi ang zipper ng bag na sukbit niya.

May mga motoristang sinamantala ang pagkakataon at kumuha ng ilang halaga kahit na pinakikiusapan niyang ibalik ito.

Mayroon namang nagbalik ng bahagi ng kanilang napulot ngunit ibinulsa ang karamihan.


May mga nagmagandang-loob naman na nag-turn over ng napulot nilang pera sa Carbon Police Station na nagkakahalagang P13,500.

Batay sa inventory, P2,083,110 na lamang ang narekober at halos kalahati ng halaga na bitbit ng remittance collector ang nawala.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments