Nasobrahan sa exercise, Gardo Versoza Kritikal inatake sa puso

Nagulat ang maraming kaibigan ni Gardo Versoza nang mag-post siya sa Facebook na nagkaroon siya ng heart attack.

Kasama pa ang photo na nakahiga siya sa hospital bed at may heart monitor sa tabi niya.

Nag-post din ang wife ni Gardo na si Ivy Vicencio na humihingi ng dasal sa ginawang operasyon kay Gardo noong Wednesday.

Post ni Ivy, “Paki sama po sa dasal ninyo na maging successful sana ang operation ni Gardo ‘Cupcake’ Versoza ngayon. May nakita pong bara sa 2 ugat nya sa puso. maraming salamat po.”
Ayon sa asawa ni Gardo: “May history sa heart ang family niya, pero ang naging cause po nung kanya ay too much exercise naman po.

“Extreme po kasi yung biking niya last time from Pasig to Tarlac.

“Grabe rin siya mag-workout sa gym.

"Dun niya nakuha ang heart attack dahil okay naman ang resulta ng test sa kanyang cholesterol, uric, at blood sugar levels.”

“As of now po nasa ICU pa po siya dahil nagkaroon po siya ng heart attack last March 28.

“May nakita pong dalawang ugat na barado at kailangan siyang sumailalim sa angioplasty asap.

“Pero dahil critical na po ang lagay niya, hindi po kayang isabay yung isang ugat. After two to three months po ang next schedule ng angioplasty sa kanya,” 

Wala pang bagong update si Ivy sa kalagayan ni Gardo. Pero marami ang nagpadala ng kanilang prayers na malagpasan ng aktor ang pinagdaraanan niya ngayon.

Hindi naman nagbigay ng anumang kuwento si Gardo kung saan at kelan siya nakaramdam ng hindi maganda sa kanyang katawan.

Ang importante ay nakita agad ang bara sa puso ng aktor at sumailalim na siya sa operasyon.

Huli raw nilang nabalitaan na na-ospital si Gardo ay noong 2021 nang magkaroon ito ng knee injury.

Nagkaroon ito ng torn meniscus sa kaliwang tuhod. Dahil daw ito sa pagsasayaw niya noon ng naka-high heels na pinu-post niya sa TikTok.

Marami ang nagdarasal sa mabilis na recovery ni Gardo.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments