Raffy Tulfo sa mga netizens 'Huwag magpakalat ng fake news'


Raffy Tulfo, nakiusap sa mga netizen: Huwag magpakalat ng fake news

Mariing pinabulaanan ng Broadcaster at sikat na vlogger na si Raffy “Idol” Tulfo ang mga kumakalat na balita na tatakbo siya sa pagka-bise presidente sa 2022 elections at sinabing mataas ang kanyang respeto kay Pang. Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Raffy na may mga pulitikong hindi niya pinangalanan, ang nag-alok sa kanya upang maging bise presidente nila sa eleksiyon, ngunit tinanggihan niya ang mga ito.

“Hindi po ako tatakbo sa pagka- bise presidente sa darating na halalan. Meron naghikayat sa akin na maging ka-tandem nila sa 2022 elections at tinanggihan ko. I said no. Why? Mataas ang respeto ko kay PRRD. Kay Pangulong Duterte,” ani Tulfo.

“Wala po akong intensiyon na banggain siya sa darating na halalan,” dagdag pa niya, na ang tinutukoy ay ang plano ni Duterte na tumakbo sa 2022 elections bilang vice president.

Inamin naman ni Raffy na binanggit niya ang 16 million voters at 42 million, ngunit nilinaw na ang mga ito ay hindi niya subscribers, kundi ng ABS-CBN Entertainment na posibleng mag-clash sa16 million voters ni President Duterte kung ang isyu ng ABS-CBN franchise ay buhayin sa susunod na taon.

“Kapag halimbawa nagkaroon ng referendum kunwari lang, there might be a clash between 16 million voters versus 36 million subscribers ng ABS-CBN, magka-clash. Iyon po ang sinabi ko,” pagkaklaro pa niya.

Ani Tulfo, nilinaw na niya ang isyu at humingi ng paumanhin sa kanyang mga kaibigan na certified at die-hard Duterte supporters, at sinabing ang kanilang nababasa sa social media ay misinformation lamang.

“After explaining to them, I apologized to them and I told them sorry kung kayo’y nakasagap ng misinformation. Matapos kong masabi iyon, naintindihan nila and they moved on,” aniya pa.

Dagdag pa ni Tulfo, na wala siyang intensiyong i-disrecpect ang may 16 milyong botante ni President Duterte, dahil kabilang aniya siya sa naghalal sa punong ehekutibo bilang lider ng bansa noong 2016.

“In fact, ito pong mikroponong ito sa Wanted sa Radyo, kinampanya ko po si President Duterte. I did and maraming nakakaalam niyan. So no disrespect sa 16 million voters ni President Duterte,” ani Tulfo.

“Sana, huwag na tayong magpakalat ng fake news para sa ikabubuti ng ating bayan,” pagtatapos pa niya.




Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments