Full Unedited Interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes


Kumpirmado na nga ang hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Sa inilabas na latest episode ng Boy Abunda’s “The Interviewer,” tinanong ng host si LJ na: “Ang separation niyo ni Paolo, was it mutual?”

Pigil ang luha na sinabi ng aktres na: “It was so difficult, it was so painful.”


Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, “Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”


Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni LJ kung ang tinutukoy niya ay kung tingin niya ay nanlamig sa kanya si Paolo.

Limang taong ang itinagal ng pagsasama nina Paolo at LJ. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang supling.


Sa ngayon ay tikom pa din ang bibig ni Paolo Contis tungkol sa issue ng hiwalayan.




Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments