Suzette Doctolero clarifies remarks on ‘poor ratings’ of “Legal Wives”

GMA Network head writer Suzette Doctolero expressed her honest thoughts and sentiments as she clarifies her statement regarding the ‘poor rating’ of GMA’s TV series titled, ‘Legal Wives’.

It can be recalled that in her deleted post on Facebook, Suzette expressed her disappointment over the ‘poor ratings’ of the said GMA show.

“Pababa ang ratings ng LW kahit na ito ay pinupuri. Aanhin ang papuri? We need ratings. Bakit hindi nagrereflect sa ratings and paper? Kungdi mag rate ang isang show, o magdeliver ng numbers, hindi na po magkakaroon uli ng ganito. Mali ako. Tradisyunal at formula soap pa rin talaga ang tinatangkilik ng tao,” Suzette wrote on her deleted post.

Suzette later on clarified her statement regarding the said Kapuso show. Suzette explained her deleted post and she reiterated that the said show is not ‘garbage’.

“Re ratings:
Paglilinaw: Mas mataas pa rin po ang ratings ng Legal Wives kaysa sa katapat nito na ini ere sa apat na istasyon (one digit lang po yata ang suma tutal ng katapat. Ang samang sabihin, sorry, pero need sabihin at Ginagamit ang salita ko laban sa Sarili kong show. Ay kurutan na lang tayo o. Chos!).

Ang aking deleted post ay dahil Feeling ko lang ay dapat mas mataas pa ang nakukuha ng LW lalo at may ingay ang show na hindi lang gawa gawa ng promo, kungdi suporta mula sa mga positibong reviews ng mga nanonood nito. Hindi peke, kungdi ay totoo.

Mas gusto rin nating lumawak pa ang audience share nito — panoorin nang mas marami pa dahil hatid nito ay hindi lang aliw kungdi dagdag kaalaman. At Magpromote ng unawaan sa pagitan ng mga taong may magkaibang relihiyon. Alisin ang religion: pare pareho tayong tao, mabuting anak at kapatid, kaibigan, etc.

Oo, gusto nating mas mataas pa para ang mga show na gaya nito (TWBU o The World between Us at Bagman, hindi po ako bias. I appreciate a good show) ang maging standard na. Para level Up na lahat. Lalo at malapit na sigurong mawala ang tv kaya gusto natin ay mag golden age uli ang tv..

Yun lang ang point at huwag sanang isiping ito ay yabang. Sadyang passionate lang po lalo at sobrang mahal ko ang tv at soap opera (minsan ay frustrating na hindi ako naiintindihan ng iba haha though alam kong hindi ko mapipilit ang ayaw sa akin sa kung anumang dahilan nila hahaha 🙂).

Masama bang maghangad nang ganun? Bakit ngayon ay ginagamit ang sinabi ko na para bang talo? HINDI! Iba ang hugot ko! (Mas malalim pa sa balon. Chos!)

Sa Lunes ay magiging first slot na tayo. At handa tayong lumaban sa bagong katapat (na dalawang beses nang tinalo ng Encantadia- maging nung rewind). Sorry na need itong sabihin at iba ang akala ng mga bashers (may sarili ata silang mundo). Napakaraming twist pa ang kwento ng LW.

Sa mga nanonood ng Legal wives, salamat sa suporta. Sobra! From the heart!!! Yiii.

Sa mga hindi pa nanonood: Hindi po basura ang legal Wives. Hindi rin ito sampalan o kabitan kaya huwag munang maghusga.

Bakit di ninyo muna silipin? Bago ijudge? Iniimbitahan ko kayo. Tiwala kami sa content nito.
Legal Wives, 8:50pm mamaya. Alas otso na simula sa Lunes. 😛

note sa sarili: need ko na yatang tanggapin na anumang sabihin ko ay pwede talagang maartikulo. PM nyo naman muna ako to clarify. Approachable naman ako (kahit fan ka pa ng dos). Mahilig lang ako kumuda sa wall ko at kausapin ang sarili gaya nang ginagawa ng marami. 🤣” Suzette wrote on her post.

(Photo source: Facebook – Suzette Severo Doctolero)


Source: Showbiz Chika

Post a Comment

0 Comments