RR Enriquez, matapang na ipinagtanggol si Mark Herras kay Lolit Solis

May banat ang model at TV personality na si RR Enriquez sa veteran showbiz news writer and talent manager na si Lolit Solis dahil sa pamamahiya diumano nito sa alagang aktor nito na si Mark Herras. 

Diretsahan ang paglabas ni RR Enriquez ng kanyang opinyon hinggil sa isyu tungkol sa umano'y pamamahiya ni Lolit Solis sa anak-anakan nitong si Mark Herras na nangutang umano sa kanya kamakamilan ng 30K para sa pangangailangan ng anak. 



Sabi ni RR kahit pa sabihing nagkamali si Mark sa kanyang paghawak ng pera noong sikat pa siya, hindi na dapat umano siya pinahiya. 

Dagdag pa niya, isa daw itong halimbawa ng toxic culture ng mga Pilipino na kung sino pa ang kakilala mo ay s’ya pang manghahamak sa’yo.

Hiling pa n’ya, imbes daw na kutyain si Mark ay dapat tulungan na lang ito. Si Baby Corky naman daw kasi nila ng fiancé nitong si Nicole Donesa ang makikinabang doon. 

Narito ang kanyang pahayag:

”Alam mo Lolit Solis Ang tanda mo na 70plus ka na pero chismosa ka pa din,” 

“Yung konti na lang ilalagi mo sa mundong ito hindi ka pa gumawa ng kabutihan! Gusto mo yung bida bida ka pa din?”

“I feel sorry for Mark Herras! Imagine he trusted you bilang manager nya. Nanghiram sayo ng 30k kasi lugmok yung tao tapos ikaw lalo mo pa nilugmog sa kahihiyan,” 

“Sabihin natin may mali yung tao, hindi nag ipon. Naging pabaya nung time na kasikatan nya etc. pero kailangan mo ipangalandakan na wala syang 30k???

“Bilang manager nya ilang milyon ba ang kinita mo sa kanya?? Para sa kapiranggot na 30k ipahiya mo sya ng ganyan?”

“Yan ang hirap sa ating mga Pilipino (hindi ko naman nilalahat) minsan kung sino pa yung pinag kakatiwalaan mo sya pa yung manglalalaglag sayo!!!” 

“Kayo naman nakikisawsaw pandemic ngayon. Lahat tayo may pinag dadaanan. Sure ako hindi lang si Mark ang nangangailangan ng pera sa mga artista,” 

“Pero sana imbest [sic] pagpyestahan natin, tulungan natin. Hindi nya naman gusto gamitin ito sa masamang paraan. Pang dede nga daw ng anak oh!!!!!

“Kalowkah si Lolit Solis!!!”

 #JusticeForMarkHerrasKahitHindiKoSyaClose #LetsHelpMarkHerrasInsteadOfBashingHim.



Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments