Bukod sa pag-unfollow kay LJ, tila dinelete din ni Paolo ang lahat ng mga larawan ng aktres sa kanyang Official Page, na karamihan ay naglalaman ng mga larawan nina Paolo at kanilang anak na si Summer.
Parehong hindi pa nagbibigay ng pahayag sina Paolo at LJ sa publiko sa mga haka-hakang breakup sa social media
Samantala, hindi pa binura ni LJ Reyes ang mga larawan ni Paolo sa kanyang Instagram page. Ang kanyang recent post ay naglalaman ng larawan ng Paolo kasama ang anak na may pagbati ng Father’s Day noong June 20.
Bukod sa pagiging artista, kilala sina Paolo at LJ sa kanilang YouTube channel, na kadalasang naglalaman ng mga vlog na patungkol sa kanilang pamilya.
Source: Netizen Express
0 Comments