Pagkatapos ng Malaysia, vlogger na si Nas Daily, bawal din makapasok sa Indonesia?


Ang sikat na vlogger na Nas Daily sa Facebook ay hindi pinayagang makapasok sa Malaysia noong 2018.

Ang 29-taong-gulang na ang tunay na pangalan na Nuseir Yassin ay nag-post ng isang video sa Malaysia, at tinawag niya itong "forbidden land."

 

Naranasan din niya ang parehong problema sa mga Indonesian authorities na ni-reject ang kanyang visa nang walang anumang mga tiyak na kadahilanan.

Gayunpaman marami sa kanyang mga followers ang naniniwala na maaaring ang kanyang Israeli passport ang dahilan nito. Ito ay sa kabila ng katotohanang si Nas ay isang Palestinian.

"It's too sensitive to admit an Israeli right now. And I'm not just a normal tourist, I'm a video blogger... I can see how my presence would get politicised." pahayag ni Nas.

Ang vlogger na mayroong higit sa 20 milyong mga followers ay nagpasya na i-extend ang kanyang pamamalagi sa Singapore na ikinatuwa ng mga locals dito.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments