Kinaaliwan ng mga netizen ang isang online seller dahil sa kakaibang gimik sa pagbebenta nito ng mga damit.
Sa kanyang facebook page na Daisy_licious Ukay ay nagla-live siya para mag-alok ng kanyang mga panindang damit.
Kinaaliwan siya ng mga taong nanonood sa kanyang live, at imbis na sila ay mag-"mine" ay masaya lamang nilang pinapanood ang online seller.
Aliw na aliw ang mga viewers niya sa panonood sa isang live selling niya ng isuot nito ang isang dress.
Ang nagpatawa sa kanila ay ang code ng babae na “kabaong.”
Saad niya, parang ililibing na umano ang disenyo ng damit. Kaya kabaong na lang daw ang code niya sa mga gustong bumili niyon.
Saad niya, parang ililibing na umano ang disenyo ng damit. Kaya kabaong na lang daw ang code niya sa mga gustong bumili niyon.
Aniya, dapat umano kahit sa kamatayan ay pinaghahandaan pa rin ito.
Habang suot suot niya ang damit ay ipinikit pa niya ang kanyang mga mata upang ma screenshot umano sa mga nais bumili ng damit na iyon.
Si seller ay matatagpuan sa Talon Purok 6, Amadeo sa Cavite.
Saad ng iba, kahit hindi umano sila bibili ay manonood na lamang daw sila upang maaliw.
May ilan naman na nag-sesend ng pera sa kanyang Gcash number dahil naaaliw sa kanya.
Tila naging isang 'entertainment' ang kanyang live selling.
Kada live niya ay libo-libo ang mga nanood sa kanya, dahil sa mga nakakatawang salita nito.
Source: Netizen Express
0 Comments