Mga residente ng NCR may ayudang P1,000 - P4,000 sa ECQ


Sinabi ng MalacaƱang nitong Lunes na makatatanggap ang mga low-income residents ng National Capital Region (NCR) ng P1,000 hanggang P4,000 cash aid matapos ilagay ang rehiyon sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20 sa gitna ng COVID-19.

“Walang ECQ kung walang ayuda,” sabi ni presidential spokesperson Harry Roque.

“Sigurado may ibibigay na P1,000 per person and maximum of P4,000 per family. Hindi pa lang sigurado saan kukunin,” dagdag nito.

Ang cash aid na ito ani Sec. Roque ay nasa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi din ni Roque na ang pinakamahusay na paraan upang matiyak ang wastong ECQ lockdown ay kung ang head ng pamilya ay magpatupad ng "family lockdown."

“Kung hindi kinakailangan lumabas, mag-order [na] walang lalabas unless bibili ng pagkain o gamot. Kung hindi kinakailangan, lahat manatili sa tahanan. ‘Wag na tayong magrely pa sa mga ECQ. Family lockdown ang solution po dito,” dagdag niya.  


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments