Ayon sa isang post ni McGregor sa kanyang official Twitter account na ngayon ay burado na:
"I'm owed commission off that manny fight and I want it."
Dahil dito ay napapaisip ang mga fans kung bakit naman magkakaroon ng commission si McGregor sa kinita ni Pacquiao gayung wala naman siyang kinalaman dito.
Well posible talagang may commission si McGregor sa laban na ito. Dahil alam naman natin na hawak lang din si Mc Gregor ng paradigm sports management.
Kung saan ayon sa mga balita ay nagkasundo ang mga kampo ni Pacquiao at paradigm sports sa kanilang demandahan, na kukuha ng porsyento ang paradigm sports sa mga kikitain ni Pacman sa laban niya kay Ugas.
Malaki ang posibilidad na kasama na doon ang sinasabi ni McGregor na commission niya dahil alam natin kung gaano magkadikit sina McGregor at ang head ng paradigm sports management na si Audie Attar.
Source: Netizen Express
0 Comments