Nagpositibo sa COVID-19 si Manila City Mayor Isko Moreno.
Ayon sa Manila Public Information Office nitong Linggo, pumunta si Mayor Moreno sa Sta. Ana Hospital bandang 6:48 ng gabi.
Ayon sa Manila Public Information Office nitong Linggo, pumunta si Mayor Moreno sa Sta. Ana Hospital bandang 6:48 ng gabi.
Kahit na nag-positibo sa virus, sinabi ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan na ipagpapatuloy ng pamahalaang lungsod ang operasyon nito laban sa COVID-19 pandemic.
"This is it! Ingat mga Batang Maynila! Love you all! May awa ang Diyos! Tuloy pa rin po ang trabaho ng Pamahalaang Lungsod!" sabi ni Yorme.
This is it! Ingat mga Batang Maynila! Love you all! May awa ang Diyos!🙏🙏🙏
— Isko Moreno Domagoso (@IskoMoreno) August 15, 2021
Tuloy pa rin po ang trabaho ng Pamahalaang Lungsod!
Nitong nagdaang linggo, nagpositibo rin sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna.
Pareho nang bakunado ang dalawang opisyal ngunit nahawa pa rin ng nakamamatay na virus.
Source: Netizen Express
0 Comments