Sa kanyang Facebook page na Daisy_licious Ukay nag live si Madam Inutz para sabihin sa publiko kung bakit umalis siya sa Star Image Management, tatlong araw lang matapos niyang pumirma ng kontrata.
Maraming mga netizens ang natuwa dahil sa ginawa ni Madam Inutz at sinabi nilang tama ang naging desisyon ng viral online seller.
Ito naman ang mensahe niya sa kanyang fans at followers, “Kaya lesson learned mga inutil. Sa susunod na may mag-offer sa inyo, ‘wag kayong padalus-dalos katulad ni inutil. Inutil nga di ba?"
“Kumbaga wala nga akong kaalam-alam, ‘di ba? Sa sobrang kagalakan na hindi ko ini-expect, masayang-masaya ang puso ko kaya ‘di ko akalain na sa sobrang saya mo pala, nagkakaroon ka ng bad decision na hindi tama. Dapat pala kumunsulta muna ako, nagtanong muna ako,” dagdag pa niya.
Source: Netizen Express
0 Comments