Under pa rin si Kris Aquino ng pamamahala ng Cornerstone Entertainment Inc., pumirma ito ng kontrata sa Cornestone noong nakaraang taon.
Project-Based ang kanyang magiging posisyon sa GMA, kung saan ang kanyang magiging unang programa ay ang maging co-host ni Willie Revillame para sa special show ng kilalang online shopping apps na magaganap sa Linggo, Agosto 8.
Sa kanyang Instagram account ay pinost ni Kris ang mga larawan nila ni Willie Revillame at guests nila para sa Mega Flash sale ng kilalang online shopping app.
Caption ni Kris, “Paano ba magsisimula? THANK YOU to my friend, a real friend Willie Revillame because from even before the 1st lockdown, bago pa naging bahagi ng mga buhay namin ang SHOPEE he tried his best to convince @gmanetwork to give me a chance to co-host with him.”
Dahil sa announcement, may mga ilang netizens ang napatanong kung si Kris ba ang papalit kay kuya Will sa show. Kaugnay ito sa nababalitang pagpasok ni Kuya Will sa pulitika sa 2022.
Pero hindi pa rin maikakailang mataas at milyon-milyon pa rin ang talent fee ni Aquino.
Limang taong nawala sa telebisyon si Kris simula nang mawala siya sa ABS-CBN ng 2016 at supposedly mapapanood sana siya sa GMA 7 para sa travel show niyang “Trip ni Kris” noong 2017 pero hindi ito natuloy.
Ang Wowowin ay produce ng WBR Entertainment Productions ni Revillame at ng GMA Entertainment Group mula 2016.
Mula ng natapos ang termino ng kanyang kapatid sa Malacanang hindi na nagbalik pa sa telebisyon si Aquino.
322 million pesos ang naibayad ni Kris Aquino sa loob ng walong taon sa BIR sa kasagsagan ng karera nito. ito ay 30% ng kanyang buong kinita sa showbiz in 8 years.
Source: Netizen Express
0 Comments