Ayon kay Makati Sub Station 7 Commander Police Captain Edison Mabaet, nasa loob ng sasakyan ang aktres sa EDSA nang tangayin ng tatlong suspek ang cellphone nito.
Hawak umano ng assistant ng aktres ang cellphone para sana kunan ng larawan ang isang billboard sa EDSA nang hablutin ito ng mga suspek nitong Miyerkoles nang hapon.
Narito ang kwento ng aktres sa pangyayari:
"Got my phone back after mahablot sa edsa!!! Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us. Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir.
- Police Captain Edison Mabaet
- PStaff Seargent Jeffrey Paloma
- PCorporal Nick Cariaga
- Patrolman Bernamy Herrera
- Patrolman Jacinto Longcop
- Patrolman Karl Villagracia
- Patrolman Marlon Gatchalian
- Patrolman Ruben Flores
- Kuya Jimmy Quibada
And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila! 😅😂
Thank you Lord! Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin 🙏🏼
Ps:
Si sofie po may hawak ng phone ko at mabagal takbo ng trapiko kaya nung may pinapicture ako sa kanya biglang nahablot agad cellphone ko habang hawak nya. Ang pinakamalaking tulong po talaga ay dahil may nahabol at nahuli si Kuya Arvi na isa sa mga snatchers dahil akala nila hindi na sila mahahabol. kaya thank you po talaga sa lahat ng tumulong🙏🏼"
Ayon pa kay Makati Sub Station 7 Commander Police Captain Edison Mabaet,, agad din pinalaya ang suspek dahil hindi na nagsampa ng reklamo ang aktres matapos na marekober ang kaniyang cellphone.
Source: Netizen Express
0 Comments