Video ng mga sundalo na pasakay sa bumagsak na C-130 plane viral


Umabot na sa 50 katao ang nasawi sa pagbagsak ng isang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) na may lulan na 96 pasahero at crew sa Patikul, Sulu nitong Linggo.

Ang C-130 military plane na may tail number na 5125 ay maghahatid sana ng mga sundalo mula Cagayan de Oro City, sa Mindanao, papunta sa Sulu province

Ilan sa mga sakay ng eroplano ay mga bagong Philippine Army privates.

Ayon kay AFP chief General Cirilito Sobejana lumampas ang eroplano sa runway.

"Na-miss niya 'yung runway trying to regain the power at hindi nakayanan, bumagsak doon sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu. We are doing our best effort to rescue the passengers,"

May mga nakakita umano na may ilang sakay ng eroplano ang tumalon bago sumayad sa lupa ang dambuhalang aircraft.

Ito na ang ikatlong insidente ng pagbagsak ng eroplano ng militar sa taong ito. Nitong Enero, isang helicopter ang bumagsak, at nasundan nitong Hunyo.

Nanawagan naman si Defense Secretary Delfin Lorenzana na iwasan ang mga espekulasyon kaugnay sa nangyaring insidente.



Actual footage of C-130 Plane Crash




Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments