UFC Conor McGregor nabali ang binti sa laban kay Dustin Poirier


Literal na ankle breaker ang tinamo ni Conor McGregor sa kamay ni American brawler Dustin Poirier sa kanilang paghaharap sa UFC 264 nitong Linggo na ginanap sa Las Vegas.

Tinalo ni Poirier si McGregor via technical knockout sa kanilang trilogy matapos mabali ang binti ni McGregor bago matapos ang opening round.

Sa video mapapanood na ilang segundo na lang ang nalalabi sa first round nang sumuntok si McGregor ay bigla na lamang itong napaupo sa sahig.

Naabutan na ng bell ngunit hindi pa rin tumatayo si McGregor hanggang sa ipakita na nito na nabali pala ang kanyang binti.

Ayon kay McGregor, may pangyayari talagang hindi mo inaasahan dahil hindi ito inexpect niyang magiging katapusan ng kanilang trilogy.

Dahil sa pangyayari, inaasahang magkakaroon pa ng pang-apat na laban.



Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments