Tiktoker na pinag mumurasi Yorme Isko mangiyak-ngiyak na humingi ng sorry


Persanal na nagtungo sa tanggapan ng Special Mayor’s Reaction Team sa Manila City Hall ang tiktoker na si Carl Lazaro, 20 anyos kasama ang mga magulang at lola na sangkot sa nag-“viral” na video sa social media kung saan pinagmumura at nilait ng tiktoker si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Ayon sa report nagtungo sa tanggapan ng SMaRT ang grupo ng tiktokers matapos itong ulanin ng masasamang komento, pananakot at pagbabanta mula sa mga netizens.

Depensa ng tiktoker na si Carl, wala umano itong intensiyon na siraan si Yorme at nadala lamang umano siya ng kalasingan kaya’t napagtripan nitong mura-murahin at laitin sa social media ang Alkalde ng Maynila.



“Gusto ko pong humingi ng tawad unang una po sa lahat kay Yorme po. Wala naman po talaga akong intensiyon na siraan po kayo dahil alam ko naman po ang mga ginawa ninyo sa Maynila, nadala lang po ako ng pagkainum ko. Alam ko naman po na mabuting tao po si Yorme. Sa mga nanonood po humihingi po ako ng tawad. Mali ko po talaga yun, inaamin ko po kaya ko po nasabi yun nadala lang po ng pagkainum ko,” pahayag ni Carl.



Ayon kay Gen. Ibay na sinabihan siya ni Yorme na sabihan at payuhan ang binata na sangkot sa nasabing viral video at hindi naman umano nagdalawang isip si Yorme na agad itong patawarin dahil aniya hindi naman umano pinapansin ng Alkalde ang nasabing viral video.

“Ang payo lang natin think before you click, kase dito madami ka masasaktan. Hindi lang mga damdamin ng mga nagmamahal kay Mayor kundi halos lahat ng Batang Maynila,” ani Ibay.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments