Olympian Hidilyn Diaz tatanggap ng P14-million condo mula sa Megaworld


Ang Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz ay umaani na ngayon ng mga bunga mula sa kanyang maraming taong pagsusumikap.

Maliban sa cash in incentives na itinakdang tanggapin ni Diaz mula sa gobyerno at pribadong sektor, ang weightlifter ng Pilipino ay ginawaran ng ‘bagong tahanan’ sa Eastwood City sa Quezon City.

Ang Megaworld, na pagmamay-ari ng business tycoon na si Dr. Andrew L. Tan, ay inihayag noong Martes, Hulyo 27, na magbibigay ito ng isang residential condominium unit sa gold medalist.



“This epic moment is about 97 years in the making, and this is our way of saying thanks to Hidilyn for making us all proud,”

“We believe that it’s just right to give our first-ever Olympic gold medalist a home in our first-ever township, Eastwood City, where she can enjoy the township lifestyle with her family and loved ones.” sabi ni Kevin L. Tan, chief strategy officer ng Megaworld Corporation.

Gumawa ng kasaysayan si  Hidilyn Diaz matapos nitong masungkit ang unang gintong medalya para sa Pilipinas nang talunin nito ang weightlifting world champion ng China at record holder Liao Qiuyun sa makapigil hiningang face off sa Tokyo International Forum.



Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments