2 LPA sa loob ng PAR nagtutulong upang palakasin ang HABAGAT


UPDATE: Dalawang panibagong mga sama ng panahon o mga Low Pressure Area ang nabuo sa loob ng PAR o sa silangang ng #ExtremeNorthernLuzon na kapwa nagtutulong upang palakasin ang HABAGAT.

Asahan ang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa #Luzon lalo na sa kanlurang bahagi nito kasama ang #MetroManila dahil sa paglakas muli ng Habagat na inaasahang magpapatuloy pa sa mga susunod na araw.


Patuloy na iiral ang Southwest Monsoon (HABAGAT) sa #Luzon lalo na sa kanlurang bahagi nito maging sa #MetroManila dahil sa mga weather system na inaasahang patuloy na magpapalakas dito hanggang sa FIRST WEEK ng August! kaya mananatiling maulan na may kasamang pagbugso ng hangin pa rin ang inaasahan sa mga nabanggit na lugar sa mga susunod pang mga araw.

Mag-ingat at manatiling handa po palagi.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments