Paalam, Shalala. TV host at Komedyante na si Shalala pumanaw na


Pumanaw na ang kilalang host at comedian na si Shalala.

Sa edad na 61 pumanaw si Shalala dahil sa pulmonary tubercolosis.

Ayon sa kanyang kapatid na si Anthony Reyes.

Na-confine siya sa national kidney institute noong nakaraang linggo at gumanda naman daw ang kanyang kondisyon kalaunan, pero nag-deteriorate ang kanyang katawan matapos ang ilang araw.

Sa isang panayam, nagpaabot ng mensahe ang kapatid ni Shalala.

"Maraming-maraming salamat po sa lahat, Kuya Lito. 

Ikaw ang naging sandalan naming magkakapatid. 

Ikaw na nagtaguyod sa pamilya. 

Hirap kami kung wala ka. 

Maraming-maraming salamat sa tulong na ginawa po para sa’ming lahat.” -Anthony M. Reyes

Sa mga nais tumulong sa pamilya, maaring mag-donate sa account ng kanyang kapatid:

Metrobank Savings

091-3-091-33785-2

Anthony M. Reyes.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments