Mga sadyang naninira ng pera, puwedeng makulong o pagmultahin, ayon sa BSP


Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na maaaring pagmultahin ng hindi hihigit sa P20,000 o makulong ng hanggang limang taon ang sinumang mapatutunayang sadyang naninira ng salapi, alinsunod sa Presidential Decree No. 247.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na gawin sa salapi ang mga sumusunod:

• Pagsulat o paglalagay ng mga guhit sa banknotes
• Sadyang pagpunit o pagsunog
• Sadya at sobrang pagtupi o paglukot sa banknotes
• Pagtupi para mag-iba ang hugis o hitsura
• Pag-stapler o paglalagay ng ano mang pandikit
• Pagbabad sa kemikal



Maaari raw isumbong sa pulisya o tumawag sa BSP kapag nakakita ng sadyang paninira ng salapi.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments