
Para kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, mas malala pa sa physical abuse ang naranasan ng manggagawang sinuwelduhan ng kaniyang kompanya nang tig-5 at 10 sentimo.
"This is about taking a person’s dignity away. Parang sinabi mo 'yung pinaghirapan mo ganyan lang ang halaga, singko at sentimo."
Bibigyan ang kompanya ng 15 araw para ayusin ang mga reklamong kinakaharap nito.
Ayon pa kay Gatchalian, maghahain din sila ng legal na kaso laban sa kompanya.
Ibinahagi ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang listahan ng sahod na dapat umano'y natanggap ng isang factory worker mula sa Nexgreen Exterprise.

Unang naibalita na nagpasuweldo ng 5-centavo and 10-centavo coins sa kanilang empleyado ang naturang kompanya.
Ayon kay Mayor Gatchalian, base sa imbestigasyon ng Workers' Affairs Office ay may kulang na P55,614 sa sahod ng factory worker.
Source: Netizen Express
0 Comments