Jose Rizal, "Jose Co" 30% Chinese 50% Pinoy?


"JOSE CO"

Kung susundin ang pinagmulan ng pamilya ni Jose Rizal, ang kanyang magiging pangalan ay Jose Co, s'ya ang apo sa talampakan nina Siang Co at Zun Nio, pamilyang Chinese sa Fujian, China.

Si Jose Protacio Mercado y Alonso o mas kilala natin bilang Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Mercado at Teodora Alonso ng Biñan, Laguna. Mismong si Jose Rizal ang tumuklas at nanaliksik sa family tree ng kanyang ama, pumunta pa ito ng China sa barrio ng Sionque sa distrito ng Chin-Chew, Fujian. 

Natuklasan n'ya na may anak sina Siang Co at Zun Nioa na lumipat at tumira na sa Pilipinas noong 1690. ang pangalan ng kanilang anak ay si Lam Co, nakita n'ya ang isang dukumento na sa edad na 35 ay na-bautismuhan ito ng mga kastila bilang katoliko at nabago ang pangalan bilang Domingo Co, Kinasal ito sa isang Chinese-Meztisa na si Ines dela Rosa.

Si Domingo Co ay malapit sa mga may posisyon noong panahon ng kastila, nakapagmay-ari si Domingo Co ng ekta-ektarang lupa at Hacienda sa San Isidro Labrador sa Biñan. 

Si Domingo ang nakapag-isip at unang gumawa ng irigasyon o patubig para sa kanyang mga bukurin.

Taong 1731, pinanganak nila Domingo Co at Ines dela Rosa si Francisco Mercado, noong panahong iyon pinag-utos ng Espanya na kailangan, na ang lahat ng mga naninirahan sa Pilipinas ay humalintulad sa mga apeliyedo at pangalan ng mga kastila, maging mga salitang kastila na ginawa rin nilang pangalan at apeliyedo. 

Unang naisip ni Domingo ang kanyang kaibigang kastila na ang pangalan ay Francisco, at ang 'Mercado' naman na ang ibig sabihin ay pamilihang-bayan o market.

Si Francisco Mercado ay kinasal kay Bernarda Monica, isa ring mayamang Haciendera sa San Pedro, Laguna at nagkaroon sila ng dalawang anak, ito ay na sina Clemente at Juan. Noong 1783, nahalal bilang gobernadorcillo o municipal mayor ng Biñan si Francisco Mercado habang ang anak nitong si Juan Mercado ay nahalal bilang capitan del pueblo noong 1808, 1813 at 1823.

Si Juan Mercado ay kinasal sa isang Cirila Alejandro, isa muling Chinese mestiza, at nagkaroon sila ng labin-tatlong anak, isa sa mga anak nila ay pinangalanang Francisco Engracio Mercado. 

Isang matalino na nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran. Nakilala ni Francisco Mercado ang isang Teodora Alonso y Realonda, anak mayaman na nag-aaral sa Colegio de Sta. Rosa. 

Kinasal ang mga ito at pinalaki ang negosyo ng palay, tubuhan at maisan sa Laguna.

Taong 1848, pinag-utos ng Governor General Sa buong bansa na inuutusan ang lahat na tumalima't gawing Spanish ang lahat ng kanilang mga pangalan. 

Ang napili n'yang pangalan ay Ricial na ang ibig sabihan ay Luntiang berde, nakilala s'ya noon bilang Ricial Mercado. 

Dahil sa hindi mabigkas at hirap ang ilan na matandaan ang Ricial, pinalitan n'ya ito bilang Rizal Mercado. Si Rizal Mercado at Teodora Alonso ay nagkaroon ng mga anak, ay isa roon ay si Jose Rizal.

1865 ng pinalitan ni Jose Rizal Ang kanyang pangalan bilang Jose Protacio Rizal at inalis ang Mercado. 

Ang apeliyedong Mercado ay mainit sa mga mata ng autoridad dahil sa kanyang kuya na si Paciano Mercado na malapit sa tinuturing na mga traydor sa remeheng kastila. 

Nai-uugnay ito sa tatlong pari na nooy ginarote dahil sa pagkasangkot sa mga di nagtagumpay ng pag-aaklas.

And the rest was history, malayang nakapag-aral si Jose Rizal sa Espanya at unti-unting inilaan ang sarili sa paggawa ng mga nobelang magpupukaw sa panahon ng pagnanais n'ya ng pagkakapantay-pantay pero kalauna'y nagbunsod ng pag-aaklas laban sa Espanya. 

Tinuring s'yang pinakadakilang bayani ng ating kasaysayan.

Research | Colorized by: Pinoy History Team

Original post:



Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments