Jelai Andres di na kinaya ang pambababae ng asawa, nagsampa ng kasong concubinage


Jelai Andres, tuluyan nang nagsampa ng reklamo laban kay Jon Gutierrez.

Naghain ng reklamong concubinage ang aktres at vlogger na si Jelai Andres laban sa kanyang asawang si Jon Gutierrez na mas kilala bilang King Badger ng Ex Battalion sa Quezon City Department of Justice kanina.

Kasama sa sinampahan niya ng reklamo ang umano'y karelasyon ni Gutierrez at ang tumutulong sa kanilang relasyon.


Pahayag naman ng abogado ni Andres, nauna na silang nagsampa ng kasong violence against women and children noong Abril. Nakaranas aniya ng depression si Andres dahil umano sa patuloy na pambababae ni Gutierrez. Ngayong araw rin nakatakda ang ikalawang hearing ng kaso.

Dumating si Gutierrez at ang kanyang abogado pero hindi na sila nagpasa ng counter affidavit. Agad ding umalis si Gutierrez at tumanggi nang magbigay ng pahayag.

Samantala, nakatakda na rin daw mag-file ng annulment case si Andres.




Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments