Fried towel, isinumbong ng netizen kay idol Raffy Tulfo


Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang customer na nakatanggap ng fried bimpo imbes na fried chicken.

Ikinuwento niyang may isang customer din umano na nakipag-ugnayan sa kanyan na nakatanggap naman ng wipes imbes na fried chicken.

Upang masiguradong hindi siya makakasuhan ng fast food kung saan siya nag-order ng fried chicken kumunsulta na umano sa abogado ang netizen na si Angelique Perez.

Sa programa ni idol Raffy Tulfo at itinanong ni Angelique kung may pananagutan ba ang nasabing establisyemento sa kanila.

Klinaro naman ni idol Raffy na walang kasong pwedeng isampa kay Angelique dahil ang post niya ay hindi para manira kundi para sa awareness ng lahat.



Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments