Pacquiao kinumpirma ang nalalapit na laban sa Las Vegas sa Aug. 21


Matapos ang higit 2 taon, muling sasabak sa boxing ring si Senador Manny Pacquiao para harapin si unified welterweight world champion Errol Spence sa Las Vegas sa Agosto.
 


Ang 42-taong-gulang na eight-division world champion na si Pacman ay huling nakipaglaban sa boxing ring laban sa Amerikanong boksingero na si Keith Thurman noong 2019.

Nanalo si Pacquiao kay Thurman, at nakuha ang WBA super welterweight title.

Si Spence, 31, ay may hawak na titulo ng IBF at WBC welterweight simula pa ng 2017 at 2019.

Sumali siya sa Olympics noong 2012, na umabot sa quarterfinals.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments