Alice Dixson maraming pina-iyak sa video ni Baby Aura

Marami ang na-touch sa isang Instagram post ni Alice Dixson para sa anak na si Baby Aura.

Ilang selfie photo at isang video clip ang ibinahagi ng Kapuso actress sa kanyang IG account kung saan makikita ang palad ng kanyang baby na hinahawakan ang kanyang kamay.

Sa caption ng intimate moment nila ng anak, “I LOVED you even before I met you… Waited soooo long to meet you.

“Was going over photos and videos I took over 2 months ago when we 1st met.

“You were so tiny…

“1/3rd of what you are today!

“I took your hand and made a promise – to ️ you forever.”

Pinusuan ng maraming netizens ang post ni Alice at madami ang nagsabing naiyak sila habang binabasa at pinanonood ang video nilang mag-ina.

Ibinunyag ng 51-year-old TV at movie actress sa kanyang guest appearance sa Eat Bulaga's "Bawal Judgmental" nitong May 8 na nabuo si Baby Aura sa pamamagitan ng surrogacy sa Amerika.








Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments