10 anyos batang lalaki sa Sultan Kudarat inulan ng donasyon pagkatapos matampok na KMJS


Dumagsa ang tulong para sa 10-anyos na si Reymark mula Sultan Kudarat matapos ma-itampok ang kanyang kuwento sa KMJS.

Sa tulong ng mga netizens, tuluyan nang magbabago ang buhay ni Reymark.

Kwento ni Raymark:

"Araw-araw, nag-aararo ako para sa aking pamilya.

‘Yung kabayo namin na si Rabanos ang kasa-kasama ko po. Ako na rin ang nagpapakain sa kanya tuwing umaga.

Mahirap po dahil maliit lang ako. Pero wala naman kaming magagawa.

Kailangan na lang pong tanggapin.

Ako na lang po ang bumubuhay sa aking pamilya. Kaya kahit maliit ako, titiisin ko po ang hirap.

Masakit po sa katawan at sa pakiramdam.

Ang hirap po kasi na wala kang pera.

Ang hirap po nang lagi mong iniisip kung makakakain ‘yung pamilya mo sa isang araw.

Wala naman po akong ibang magawa kundi magtiis.

Minsan, kapag nakikita ko ‘yung ibang bata, naiinggit ako. Nakakapaglaro kasi sila, nakakapag-bike.

Pero ako po, nandito sa bukid, nagtatrabaho.

Pakiramdam ko po wala na kaming chance na yumaman sa mundo.

Pagod na pagod na po ako. Maliit pa lang kasi ako, ganito na ang trabaho ko.”




Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments