Actress Sheena Halili penned an emotional message to her daughter, baby Martina as she sent a reminder to mothers like her and for the future mothers.
In her Instagram account, Sheena posted a heart-warming photo of her and baby Martina. According to Sheena, she wrote the letter to baby Martina at 11:40pm of January 24, 2021. Sheena also shared that baby Martina was asleep while she was writing the letter. Sheena shared her journey on being a mother as she wrote:
==========
Related Stories:
- Sheena Halili shares adorable facial expressions of her daughter baby Martina: “Martina Emojis”
- Sheena Halili marks 1st month of baby Martina
- WATCH: Netizens laugh at Sheena Halili’s “Educational Lullaby” video
==========
“January 24, 2021. 11:40PM.
Mahimbing kang natutulog sa aking dibdib habang sinusulat ko ito.
March 14, 2020– Naguumapaw ang saya naming ng Daddy mo nang binigay ka sa ng Diyos! Ngunit sa susunod na araw, March 15, 2020, ay nagkaroon ng malawakang lockdown dahil sa virus. Sa kabila ng pag celebrate at pagbalita naming sa good news na “We’re Pregnant!” ay may halong matinding pag-aalala. Naisip kong nakakatakot at nakakabahala mag-buntis sa mga panahon ngayon. Halong saya at pag-aalala ang buong nine months kitang dinadala.
Pero nung December 12, dumating ka na. Naririnig ko na ang boses mo sa pag iyak. Nararamdaman ko na ang hininga mo at puso mo tuwing magka yakap tayo.
Naaalala ko pa nga nung mga unang oras mo habang ako ay nasa delivery room pa, na tinanong ko sa mga doctor habang naka-latch ka sa dibdib ko, kung pwede ba kitang hawakan. At siyempre, isang malakas at buong buong “YES!”, ang natanggap ko. At everytime na iiyak ka, ilalagay ka nila sa aking dibdib para mag-feed dahil hindi pa ako makagalaw ng maayos dahil sa pagod.
Sa unang mga araw natin bilang mag-ina, di ko pa sure kung paano ka kargahin. Paano ka patulugin. Paano ka patahanin. Paano ang burp. Tama ba ang ginagawa ko? Kaya ba kitang paliguan?
Ang liit liit mo at ang lambot lambot mo pa. Pero tuwing iiyak ka, pag ako na ang bumuhat sayo, tumatahan ka. Sa akin ka nila dinadala. Ramdam ko na ang yakap ko ang kailangan mo. Ramdam mo na loved at protected ka.
Sa mga mommies at sa mga magiging mommies palang, tandaan niyo na ang yakap at haplos niyo lang ay sapat na. I can’t say this enough, but IBA TALAGA ANG HAPLOS NG ISANG INA!
Salamat, anak, dahil sa magdadalawang buwan na kitang inaaalagaan, sa bawat yakap, buhat, at haplos ko, nakakalma kita.
Ang sarap mong pagmasdan. Ang sarap mong alagaan. Ang sarap maging mommy mo. Masaya akong nakikita kitang lumalaking malusog at protektado dahil sa aking yakap.”
(Photo source: Instagram – @mysheenahalili)
FEATURED VIDEO:
Source: Showbiz Chika
0 Comments