Ang orihinal na video kasi ang kailangan para magamit bilang ebidensiya.
Nag-aalangan pang tumestigo ang witness na nag-video sa pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac, ayon kay PNP Chief Debold Sinas. Pati ang ibang mga witness, tila nag-aalangan din daw.
Nangangamba rin ang mga kaanak ng mag-inang Gregorio para sa kanilang kaligtasan dahil hindi pa naililipat sa permanenteng kulungan si Nuezca.
“Kakausapin pa namin ‘yong ibang witness doon sa video kasi ‘yong sa video ay gagawan namin ng paraan na sana i-accept ‘yon as evidence so ‘pag na-accept ‘yon as evidence, malakas talaga ‘yong kaso against kay Nuezca,” saad ni Sinas.
“Kasi sa ngayon hindi pa ‘yon na-offer as evidence dahil ‘yong kumuha at tsaka may-ari ng video ay parang alanganin pa,” dagdag niya.
Nag-aalangan pang tumestigo ang witness na nag-video sa pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa...
Posted by Unang Hirit on Wednesday, December 23, 2020
“Sila po ay na-trauma at nagkaroon ng kalungkutan,” sabi ni Paniqui Mayor Leonardo Roxas.
Source: Netizen Express
0 Comments