
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakakabahala ang pangyayari na nakuhanan pa ng video.
Inatasan ng kalihim ang prosecutor’s office sa Tarlac na agad magsagawa ng preliminary investigation sa sandaling maisampa sa kanila ang mga kaso.
Siniguro ni Guevarra na tutuyukan nito ang kaso upang matiyak na mabibigyan hustisya ang mga biktimang sina Sonya Rufino Gregorio at anak na si Frank Anthony.
Magugunita na sinugod ng suspek na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ang bahay ng mga biktima matapos makarinig ng pagsabog ng boga.
Kusang loob na sumuko sa police station sa Rosales, Pangasinan ang suspek.
Source: Netizen Express
0 Comments