THROWBACK picture ni Marian Rivera hinahangan ng mga netizen sa social media


"Kung ang definition ng pagiging matalino ay mag-English lang, 'wag na lang akong maging matalino," - Marian Rivera

1 million reactions, 10 thousand comments at 59 thousand shares, yan ang nakalap ng isang throwback photo ni primetime queen Marian Rivera-Dantes na kanyang ibinahagi sa kanyang official Facebook page kahapon, Novermber 7. 


Ayon sa caption ng kanyang post:

""Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles kung hindi naman ako marunong dumeskarte at hindi ako mapagmahal sa mga magulang ko, o nakakalimutan ko ang mga kaibigan ko. Kung ang definition ng pagiging matalino ay mag-English lang, 'wag na lang akong maging matalino," - Marian Rivera 2015 interview KMJS"

[A] "Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles kung hindi naman ako marunong dumeskarte at hindi ako mapagmahal sa mga...

Posted by Marian Rivera on Friday, November 6, 2020


Basahin ang ilang mga komento ng mga netizens:

"Each individual has his own talent. May mga matalino na hindi articulate Kasi Hindi linguistic Ang intelligence nila. Ibat ibang klase ang talino ng tao. Lahat tayo May angking talino na masasabi g unique. Nakakatawa nga mga Pilipino, pagiging English speaking ang basehan ng talino. Sariling wika nga Lang napaka delinquente pa. May talino si Marián. Magaling umarte at sumayaw. Marunong pang dumiskarte sa buhay kaya maayos ang familia Dante’s. "

"Tama... hindi batayan ang marunong ng salitang ingles ang pagiging matalino. Makatao, mapagkumbaba at marespeto ang mas mahalaga sa buhay.. kaya mga anak ko tinatagalog ko sila kase ito lang ang paraan para maturuan ko sila ng tamang asal kase hindi naman kame marunong magdisiplina gamit ang salitang banyaga. Hehe..matututunan din yan sa paaralan. "

"english is just a language🤷‍♀️ kapwa pinoy lang nmn talaga mahilig mag criticize pag nag eenglish tau eh😂 "

"Ang mga tunay na gwapo at magaganda ay hindi ganun kagaling mag-english. Ok lang yan. It’s not your false! 🤣🤫 "

"korek po kayu miss marian hindi porket marunong ka mag ingles eh matalino kn...ang importante marunong tayu rumespeto sa kapwa natin lalu na sa ating mga magulang..💋❤️❤️ "

"Marunong kangang mag english msama nman ang ugali mo tapos hnde ka mrunong rumispito sa magulang mo, tama idol marian kaya love na love kita mapagmahal kapa sa kaibigan "

"Tama nga naman.yung iba kc magaling lang mag english mayabang na at kala mo di pilipino makipag usap sa kapwa pinoy.di lahat ng di magaling mag english di matalino.may tao lang talaga na asiwa magsalita ng english. "

"Duh aanhin mo ang magaling mag English tas bobo naman sa pamumuhay.. madami akong ka kilala sobrang galing sa English pero ang bobo naman sa pang hanap buhay... wali parin lol.."


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments