Pangulong Duterte, magbibigay ng bulletproof vests at body cameras sa mga PNP-HPG personnel


Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng bullet proof vests at long firearms sa Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) kasunod ng pagkamatay ng isang HPG officer sa isang shootout sa Cavite City nitong Biyernes.

Ito ay matapos ang shootout insident na nangyeri sa Cavite kung saan isa sa hanay ng pulisya ang nasawi na si si Police Chief Master Sergeant Julius Arcalas.

Ayon kay PNP-HPG Director Police Brigadier General Alexander Tagum, nais ni Pangulong Duterte na palakasin ang kapabilidad ng HPG.

Bukod sa vests at long firearms, nais din ni Pangulong Duterte na bigyan ang mga HPG personnel ng body cameras.

Ipinapaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikiramay sa pamilya ng nasawing HPG officer.

Tiniyak ng Pangulo na maibibgay ang karampatang tulong sa pamilya at hustisya.



Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments