MISIS na Online seller nagalit sa kanyang babaeng customer matapos itong deliveran ng kanyang mister


Isang babaeng online seller na nakilalang si Marites Solomon ang nag-viral matapos nitong mag-post laban sa kanyang babaeng customer.

Batay sa post, nagalit si Marites matapos niyang makita ang mga litrato ng kanyang babaeng customer sa cellphone ng kanyang mister na nagdeliver dito.

Pag-uwi ng kanyang mister ay tinignan agad ni Marites ang cellphone ng asawa para malaman kung nagdeliver ba talaga ang mister niya.

Doon nito nakita ang larawan ng kanyang buyer, ngunit hindi lamang isa ang kuha ng kanyang mister, kundi tatlong larawan! 




Imbes na magalit si Marites sa kanyang asawa ay sinisi pa nito ang kanyang customer dahil hindi umano maayos ang pananamit nito.

"Sa mga customer natin Jan wag gayahin to sana manlang ayusin mo panamit mo babai ka alam mo may mag dedeliver sau mag suot kayo ng maayos customers"

Sa huli ay lumabas din ang katototohanan at sa kanya mismo ito nang galing.

Hindi ito kasalanan ng customer kundi ang kanyang asawa.

"Nakita ko to sa cp mismo ng asawa ko hnde ko alam bakit nya pnicturan lalaki e sya kc pinag deliver ko kasi dami ako inaasikaso be aware customers". Dagdag pa ni Marites.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments