Inabot man ng dilim, Coast Guard patuloy pa rin ang search and rescue operations sa Cagayan at Isabela


Inabot man ng dilim, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard sa lalawigan ng Cagayan at Isabela ngayong araw.

Kalunos-lunos ang naging kalagayan ng mga residente na apektado ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley. 


Tatlong Disaster Response Team (DRT) mula sa Coast Guard Station Ilocos Norte ang ngayon ay kalalampas pa lamang sa bayan ng Gattaran, sa Cagayan.

Sila ngayon ay nasa bayan ng Alcala upang tumulong sa rescue operations na isinasagawa ng mga kawani ng Coast Guard Northeastern Luzon.




Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments