G TONGI Binanatan si Arnell Ignacio sa pagsabi na mahina ang ulo ng mga artista


Sinupalpal ni G Tongi si Assistant Vice President for Community Relation and Services Development of the Philippine Amusement and Gaming Corporation na si Arnell Ignacio matapos nitong gumawa ng kontrobersyal post na nagsasabing mahina ang ulo ng mga artista.

"Noon ang artista kadalasan ang tingin e mahina ang ulo ... na stereoyped kung baga. Nakaka sama na kayo sa loob ng tanghali ... pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba eh. Me yabang pa nga sa mga kahalagahan e." sabi ni Arnell. 


Bagama't hindi pinangalanan ni Arnell ang artista sa post niya, may mga nakapansin na ang post niya ay lumabas matapos mag-tweet ni Angelica Panganiban, na tinatanong kung ano ang plano ng gobyerno sa panahon ng pananalasa ng bagyong Rolly. 


Hindi ito nakita ni G Tongi na nakakatuwa kaya nagbigay ito kay Arnell nang ganitong mensahe:

"Arnel- dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila... Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka..." sabi ni Giselle.



Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments