Dahil lang sa mga Fans ang Rangya na pala ng buhay ngyon ni Badjao Girl

Taong 2016 ng mag-viral si Rita Gaviola na tinaguriang si Badjao Girl dahil sa angking natural na kagandahan na nakunan ng larawan ng isang netizen habang namamalimos ito sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.

Hindi kagaya noon, mas maayos na ngayon ang buhay na mayroon ang tinaguriang Badjao girl at ang pamilya nito. 

Matapos  maging viral ang kaniyang larawan noong 2016, marami  oportunidad ang nagbukas para sa kaniya at nabigyan siya ng pagkakataon na makapasok sa showbiz industry. 

Isa dito ay nang mapabilang sya sa sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7.

Hindi man siya  nanalo sa PBB ay hinangaan naman sya ng nakararami dahil sa tapang nyang harapin ang hamon ni KUYA at ang dedikasyon makaahon sa hirap.

Matapos nito, ilang roles naman ang kaniyang ginampanan sa GMA network. 

Maliban dito, nakatanggap din si Rita ng maraming endorsements at sinubukan na din niya ang pagmo-model.

Bukod pa diyan, nakatanggap din si Rita ng tulong mula sa isang taga-hanga na taga ibang bansa na si Grace Kreutzer.


Kung noon daw bago pa man sya makilala ay kinakailangan niyang mamalimos para lamang sa pangkain sa araw araw, ay iba na ang estadong ito nila.

Maayos na raw ang kanilang tahanan at hindi na nya kailangan pang mamalimos at mamroblema para kakainin nila sa pang buong araw.

Pumapasok na ngayon ng maayos si Rita at libreng nakakapag-aral sa pamamagitan ng scholarship na ibinahagi sa kanya.

Ito ngayon ang kanyang ipinagpapasalamat sa kanyang mag tagasuporta.

Kasalukuyan aktibong nasusubaybayan si Rita Gaviola sa kanyang Instagram Account na may higit 155K followers na.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments