BUDOL nagpanggap na nasalanta ng baha nakakalap ng mahigit P7K donasyon sa isang gabi


"Naka ​​7k ako kagabe HAHAHA via Gcash sila nag-donate. G @ gó gulat nga e trip trip lng naman." 

Nag-tweet ang celebrity at award-winning radio DJ na si Czarina Marie Balba o mas kilalang DJ Chacha sa Twitter at binalaan ang publiko tungkol sa "budol" sa Pilipinas.

Nag-post siya ng isang convo mula sa isang gamers' group chat, kung saan ipinagmamalaki ng isang may username na "G-gaming" na nakakuha umano siya ng P7K mula sa mga donasyon.

Ang kanyang eksaktong pahayag ay: "Naka ​​7k ako kagabe HAHAHA via Gcash sila nag-donate. G @ gó gulat nga e trip trip lng naman."

Sumagot naman ang isang may username na Soul-boy, "HAHAHA" sabay bili agad ng steelseries si g @ gó e HAHAHAH "

Ang Steelseries ay isang popular  brand ng computer accessories ng mga gamers.

Sinabi ni DJ Chacha na para sa mga nais na mag-donate, dapat mag-ingat at suriin mabige ang mga donasyon drive.

"Again, icheck ng maigi yung mga nanghihingi ng tulong at donation drives. "

Tanong pa nya, "Paano niyo nagawang manloko sa dami ng totoong nahihirapan ngayon?"


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments