Baha sa Cagayan bahagya nang humuhupa ayon sa Cagayan DRRMO

Maraming mga barangay sa lalawigan ng Cagayan at sa Tuguegarao City ang nanatiling binaha noong Linggo dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, ngunit ang tubig-baha ay dahan-dahan ng humuhupa,  ayon sa mga opisyal ng Cagayan DRRMO. 

Ayon sa report sinabi ni Jacinto Adviento, pinuno ng Alcala, Cagayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na hindi bababa sa pitong mga barangay sa bayan ang lubog pa rin sa baha, bagaman ang tubig ay dahan-dahang humupa.

"Sa mga flood-prone barangays namin, lubog pa rin sa baha hanggang ngayon kasi bumaba lang ang tubig nang 1.5 meters," sabi niya.

Ayon kay Adviento na dalawang indibidwal ang namatay mula sa kanilang bayan dahil sa electrocution, isa na rito ay natagpuan na at ang isa pa ay napapailalim sa isang retrieval operation.

Hindi bababa sa 12,000 indibidwal ang lumikas at nananatiling nakatira sa tatlong itinalagang evacuation center ng bayan, sinabi ni Adviento.

Gayunpaman, mayroon ding ilang mga residente na pinili na manatili sa kanilang mga bahay, dagdag niya.

"Marami 'yung mga naiwan sa mga bahay nila, hindi nila maiwanan. At 'yung mga naiwan doon, hindi na talaga namin nakayanan. Kasi sabay-sabay 'yung pito hanggang limang barangay na humihingi ng saklolo sa amin," sabi ni Adviento.

Para sa mga piniling manatili sa kanilang mga bahay, sinabi ni Adviento na ang lokal na pamahalaan ay nagdadala sa kanila ng lutong pagkain at tubig.

"Ang bilin ng mayor namin na lahat ng padala namin sa mga na-stranded sa mga bahay nila ay 'yung mga lutong pagkain na," sabi niya.


Source: Netizen Express

Post a Comment

0 Comments