“Apat na. Sa ngayon, apat ‘yung accounted for. ‘Yung tatlo related sa ilog, nagoverflow, nawasak ‘yung dike at ‘yun ‘yung mga namatay,” ayon kay Bichara sa panayam ng Dobol B sa News TV.
Nabagsakan ng nabuwal na puno ang naiulat na casualty sa Daraga sabi ng Gobernador.
“‘Yung isa ‘yung nadaganan ng malaking punong-kahoy,” aniya.
Sabi pa ni Bichara isa sa mga biktima ay isang limang taong bata.
“‘Yung batang ‘yun malamang inanod ‘yun… siguro isang pamilya habang ano nabitawan siguro, inanod ‘yung isang bata. ‘Yung isa naman, inanod ng lahar, at sa Polangui mayroon ding inanod sa ilog,” saad nito.
Nakataas pa rin sa Signal No. 4 ang lugar.
Source: Netizen Express
0 Comments