Sa vlog ng talent manager, dinetalye ni Tekla kung ano ang nag-uudyok sa para kumprontahin ang kanyang live-in partner.
"Bakit that time na-ano namin sumisigaw ka? Nakita namin, napanood namin sumisigaw ka,” tanog ni Ogie.
Sumagot si Tekla na binalaan siya ng isa sa kanyang mga kaibigan na nag-post laban sa kanya si Michelle sa social media na maaaring makaapekto sa kanyang imahe.
"May isang kaibigan, nagmamalasakit, kasi naka-block na ako sa kanila e.”
"Nagla-live pa ako sa labas. Nag-eentertain pa rin ako ng tao without knowing na may plan na sa likod ko.”
“May isang nagmamalasakit na friend, nabasa ko sa comment section sa live ko na 'ina-ano ka ng partner mo'. Parang wina-warningan ako na 'baka mapahamak ka'. So, di ko pa nga pinansin e. And then hindi huminto 'yung friend ko na 'yon. Ini-screenshot niya lahat ng posts ni partner para i-send sa akin. And then nang nabasa ko, nag-explode ako. Sumabog na ako. Nagalit ako.”
“And then nung galit ako, kinompronta ko sila.” Gayunpaman, hindi isiwalat ng komedyante kung tungkol saan ang post ni Michelle.
Source: Netizen Express
0 Comments