Inihayag ng komedyante kay Ogie na sinubukan niyang makipagbalikan kay Michelle sa kabila ng lahat na ginawa nito sa kanya.
Ayon kay Tekla, sinubukan niyang makipagbalikan kay Michelle alang-alang sa kanilang anak na si baby Angelo at sa mga taon nilang pagsasama.
Gayunpaman, sa huli ay hindi nila nagawang magkasundo na magsamang muli bilang mag-asawa at pumayag na lamang na magtulungan sa pag-aalaga ng kanilang anak.
"Yun 'yung pinaka-final na decision namin pero prior that, after sa nangyari ha, binigyan ko pa rin siya ng chance. Na sabi ko, 'Okay. Although nandoon na 'yung sakit, nandoon na 'yung judgment. Jinudge na tayo, nahubaran na tayo sa publiko. Sa buong mundo nahubaran na tayo."
“Okay, for the sake, sabi ko sa kanya, may anak tayo. May dapat tayong asikasuhin kay Angelo, na hindi naman dapat ito eh, itong issue na 'to."
"Hindi naman ito eh, dapat doon natin itinuon sa bata. But anyway, sabi ko, binigyan ko pa rin siya ng pinto na, 'Okay, kung gusto mo tayo lang dalawa with Angelo,” sabi Tekla kay Ogie.
Source: Netizen Express
0 Comments